Close
 


Sen. Hontiveros sa umano’y recording na hawak ng Chinese Embassy hinggil sa ‘new model’ agreement
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Dapat patunayan ng Chinese Embassy na totoo ang recording tungkol sa umano’y ‘new model’ agreement sa West Philippine Sea sa pagitan ng Pilipinas st China, ayon kay Sen. Risa Hontiveros. Kasunod ‘yan ng iginigiit ng Embahada na mayroon silang hawak na recording nang magkasundo ang #AFP Western Command at kanilang opisyal. “Basang basa na ang papel ng Tsina sa mga bagay na dapat na in-inform o mga bagay kung meron man na hindi nila dapat sinasabi pero sinasabi nila, grabe ang information warfare talaga na wine-wage ng Tsina,” saad ng senadora. Dagdag pa niya, kung talagang may hawak silang recording at transcript, ibigay nila ito sa ating gobyerno. Kung ilalabas rin ito ng Embahada, maaari rin aniya itong magamit ng Senado sa pagdinig hinggil sa umano’y kasunduan ng administrasyong Duterte at China. Naniniwala naman si Sen. Hontiveros na bahagi lamang ito ng information warfare at taktika ng dayuhan para pag-awayin ang mga Pilipino. #News5 I via Camille Samonte Follow News5 and stay updated
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 03:04
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Basang-basa na ang papel ng China sa mga bagay na dapat nilang i-inform, na hindi nila ini-inform,
00:06.4
o mga bagay na kung meron man, na hindi nila dapat sinasabi pero sinasabi nila.
00:12.9
Grabe ang information warfare talaga na wini-wage ng China.
00:16.7
At dahil ganun ang katapat din natin, hindi lang yung pangbubuli nila sa West Philippine Sea,
00:22.0
hindi yung klaro at napaka-dubious na papel dito sa mga POGOs,
00:26.5
hindi lang yung questionable majority interest sa ating national grid.
00:32.1
Dahil ganito rin ang information warfare at influence operations na wini-wage nila.
00:37.9
Lalong dapat nating pagpursigihang to get at the truth and to uncover what is just smoke and mirrors sa kanilang ginagawa.
00:48.2
So kung meron talaga silang recording at kung meron talaga silang transcript,
Show More Subtitles »