Ekonomiya ng Pilipinas, bahagyang lumago sa 5.7% sa Q1 2024 | Frontline Pilipinas
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Gumanda ang ekonomiya ng Pilipinas pero mababa kumpara noong huling quarter ng 2023.
00:06.2
Itinuturong dahilan ang matinding init ng panahon.
00:09.7
Nasa front line ng balitang yan si Shaila Francisco.
00:15.1
Ang matinding init na nararanasan natin ngayon, hindi lang ramdam sa pawis kundi maging sa bulsa.
00:22.7
Base sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA,
00:25.6
5.7% ang Gross Domestic Product o GDP ng bansa ngayong unang quarter ng taon.
00:33.2
Kung tutuusin, bahagyang lumago ito kumpara sa sinundang quarter.
00:37.7
Pero bumaba naman kumpara sa 6.4% sa parehong panahon noong nakaraang taon.
00:43.8
Ang GDP ay ang kabuwang halaga ng mga produkto at serbisyong nalilikha ng isang bansa.
00:49.4
Kumbaga, sukatan niya ng ekonomiya.
00:51.7
Malaking factor dito ang tinatawag na consumer o household spending.
00:55.6
O sa madaling salita, paggastos.
00:59.1
E paano gagastos kung mas gusto ngayon ng mga tao ang manatili sa loob ng bahay
01:03.9
kesa lumabas at makipagpatintero sa araw?
01:07.3
Kapag na sa loob ng bahay, mas makakatipid.
01:10.5
Kaya hindi katakatakang ang paggasta ng mga Pinoy sa unang tatlong buwan ngayong taon
01:15.1
ang pinakamahina simula noong 2010, maliban noong pandemya.
01:21.1
Bukod sa nakakapigil ng paggastos ang init,
01:24.4
nakakabawas din ito.
01:26.7
Gaya ng manikuristang si Jing de Guzman.
01:29.7
Nakatingga na lang ang kanyang mga gamit
01:31.7
dahil hindi siya makapagbahay-bahay sa sobrang init.
01:34.8
Paano ka makakapagtrabaho nito?
01:36.5
Nung hindi pa mainit, gumagastos ako.
01:39.4
Kumakain talaga kami sa labas.
01:41.3
Yung gagastusin namin, ihanda na lang namin sa pambay ng kuryente, ganyan, tubig.
01:47.9
Hindi lang yan si Jing ha,
01:49.6
kundi dalawang milyong Pilipino ang walang trabaho
01:52.2
base sa datos ng PSA noong Marso.
01:54.6
Init ang kadalasang dahilan niyan,
01:56.9
lalo na yung mga nasa sektor ng agrikultura at construction
01:59.8
na madalas nakabilad sa araw.
02:02.6
Kapag nabawasan ang nagtatrabaho,
02:05.0
lalo na ang mga kababayan nating magsasaka
02:06.9
na nalulugi lang din naman dahil sa El Niño,
02:09.7
ang sunod na kakambal niyan,
02:11.4
inflation o yung bilis ng pagmahal ng mga bilihin.
02:15.2
Yan ngayon ang tinututukan ng National Economic and Development Authority o NEDA.
02:19.3
We reiterate that failing to augment local production with importation
02:23.6
during shortages can exacerbate food insecurity and perpetuate poverty.
02:30.0
My best bet is that the worst of the inflation is over.
02:34.5
We keep on guard and ensure that we are able to manage any uptick in the prices.
02:43.5
Sa ngayon, nagsusumikap ang NEDA na mula sa kasalukuyang 5.7%
02:48.5
ay maabot ang target na 6-7% na GDP ngayong taon.
02:53.5
Ang nagsusumikap ng NEDA na mula sa kasalukuyang 5.7% ay maabot ang target na 6-7% na GDP ngayong taon.
02:53.6
Ang tanong, paano mapapalabas ang mga tao sa kabila ng matinding init?
02:58.5
Nagbabalita mula sa Frontline, Shia LaFrancisco, News 5.
03:03.2
Mga kapatid Sheryl Cosimpo, huwag maging huli at maging una sa lahat sa balitaan.
03:08.8
Para sa tuloy-tuloy na talakayang sa Frontline,
03:11.3
mag-follow at mag-subscribe sa social media pages ng News 5.