Narito ang mga balitang konsyumer at pangkalakalan ngayong Biyernes, May 10:
• GDP growth, naitala sa 5.7% sa Q1 ng 2024
• Paggastos ng mga Pinoy, humina sa unang tatlong buwan ng 2024
• DTI: Manufacturers, bukas sa 'di pagtaas ng presyo
• Presyo ng produktong petrolyo, tinatayang bababa pa
• DOLE, umaasang makalikha ng 1-M trabaho ang pribadong sektor
#TedFailonandDJChaCha #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM
---
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
Run time: 03:08
Has AI Subtitles
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.3
Punta po tayo sa mga balitang consumer at kalakalan na itala sa 5.7% ang GDP growth o ang paglago ng ekonomiya sa unang tatlong buwan ng taon.
00:12.3
Base nga sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA, mas mabilis ito kaysa sa 5.5% sa fourth quarter noong nakaraang taon.
00:22.3
Yun nga lang, mas mabagal ito kumpara sa 6.4% ng unang quarter ng 2023.
00:27.6
3. Lumago naman daw ang lahat ng malalaking sektor. Yan ay ang agriculture, industry at services sectors. Lumakas din ang household consumption.
00:37.6
Pero sabi ng National Economic and Development Authority na pigilan ang matinding initang paglago ng construction at maging household spending.
00:47.6
Naitala naman ng PSA sa 4.6% ang household final consumption expenditures sa first quarter.
00:54.7
Mas mababa sa 6.4% sa parehong mga buwan noong taong 2023.
01:00.3
Ang ibig sabihin niyan, dumami ang mga Pinoy. Nahirap gumastos para sa pangunahing bilihin o marami ang walang pambili.
01:08.6
Paliwanag ng NEDA, hinila ito ng holiday downturn o ang paghina ng paggastos matapos nga po ang Pasko maging ang bagong taon.
01:16.0
Naka-apekto rin daw dito ang El Niño, lalo tinulak nito ang presyo ng iba pang mga bilihin.
01:23.6
Sinabi naman ng Trady.
01:24.7
Ang department nabukas sa mga manufacturer na huwag na munang magtaas presyo.
01:29.2
Nakipagpulong na raw ang DTI sa mga manufacturers tungkol sa posibleng price freeze sa basic goods.
01:35.7
Pag-aaralan daw ng mga kumpanya ang voluntary price freeze sa gitna ng mga hinaharap na issue ng mga Pilipino dahil pa rin sa El Niño.
01:44.9
Tiniyak din ang DTI na nakatutok ito sa pagtiyak na hindi labis-labis ang presyohan ng mga produkto sa pamilihan.
01:52.1
Posible namang magka-rollback ulit sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
01:59.0
Base kasi sa unang tatlong trading days, bumaba ng higit dalawang piso kada litro ang presyo ng imported na gasolina.
02:07.0
Higit piso rin ang ibinaba ng presyo ng kada litro ng diesel at ng kerosene.
02:12.0
Kahit may dalawang araw pang natitira sa trading, naniniwala si Jetty Petroleum President Leo Bellas na bababa ang presyo sa susunod na linggo.
02:21.1
Bumaba raw ito dahil sa posibilidad ng peace agreement sa Gaza at ang paglaki ng imbentaryo ng langis sa Amerika.
02:32.1
Umaasa naman ang Labor Department na makalikha ng higit isang milyong bagong trabaho ang pribadong sektor.
02:39.2
Sa katunayan, maliit pa raw na target ang isang milyon kung titignan ang mga Pilipinong pumapasok sa workforce.
02:45.0
Pero kailangan daw magkaroon pa rin ang sapat na basihan para nga taasa ng target na ito.
02:51.5
Ayon naman sa pribadong sektor, kakayanin namang maabot ang isang milyong bagong trabaho.
02:56.8
Pero yan ay kung magtutuloy-tuloy ang paglago ng ating ekonomiya.