00:59.3
Big time ang rollback sa gasolina next week.
01:02.1
Maglalaro po sa 2 piso hanggang 2.20 ang magiging bawas presyo sa gasolina.
01:07.9
Ang diesel at kerosene may rollback din pero di aabot ng piso kada litro.
01:13.6
Ang rollback sa susunod na linggo ay ika-apat na sunod na bawas presyo sa diesel at kerosene.
01:19.9
At ikatlong sunod naman na linggo sa gasolina.
01:23.4
Ang kabuang rollback sa diesel ay umabot na sa 2 pesos sa 30 centavos.
01:27.5
Magiging 3 pesos sa kerosene at piso naman po sa gasolina dahil nga po sa serya ng rollback.
01:32.9
Pero kuwidaw, babala sa mga motorista dahil tumaas po ang presyo ng imported na langis sa world market netong biyernes
01:40.2
dahil bawas ang inventaryo ng langis ng Amerika at lumakas ang imports o pag-angkat ng China.
01:46.3
Alanganin din ang fee stock sa pagitan ng Hamas at Israel.
01:49.1
At kapag umigting na naman ang kaguluhan, posibleng sumipan na naman po ang presyo ng langis sa mga susunod na linggo.
01:57.5
Nakararanas ang ilang bahagi ng mundo na matinding solar storm.
02:04.9
Dulot ng solar outburst na nagmumula sa araw ngayong Sabado.
02:09.6
Isinabi ito ng National Oceanic and Atmospheric Administration kasunod ng inisyong severe geomagnetic storm warning.
02:18.8
Biyernes ng hapon na makaabot sa mundo ang solar outburst at maaaring magtuloy-tuloy hanggang ngayong weekend o sa mga susunod na araw.
02:27.5
Pusibli o mano itong maka-apekto sa mga infrastructure na nasa near-Earth orbit surface ng mundo at tulad po ng mga satellites.
02:37.2
Ibig sabihin, maaaring magka-problema sa komunikasyon, electric power grids at iba pa.
02:42.8
Nagdulot din ang nasabing solar storm ng Northern Lights o mas kilala sa tawag na Aurora Borealis na umabot po hanggang sa timog na bahagi ng Amerika gaya ng Alabama at Northern California.
02:55.4
Nasaksihan din ng ilang kababayan natin sa ibang bansa ang Northern Lights gaya ni Gigi Santiago na nasa United Kingdom.
03:04.7
Ayon kay Gigi, matagal niya nang nais masaksihan ng Northern Lights.
03:08.9
Ayan naman, itinuturing niyang isang blessing na makita ito sa labas lamang ng kanyang tinutuluyan.
03:23.8
Level Up ang kilig sa sequel ng Hitman.
03:25.4
Hit series na Senior High ang High Street na ipalalabas na po sa May 13.
03:31.2
Trending naman ang matitinding eksena sa finale ng hit serieng Can't Buy Me Love.
03:37.1
Nagpa-patrol, Daniel Christian.
03:41.3
No one takes another step kung di papa kayo.
03:46.8
Marami ang nasurpresa sa revelasyong si Bettina Chu na ginagampana ni Kyla Estrada ang tunay na pumatay kay Divine.
03:54.2
Ang hina ni Caroline Chu.
03:55.4
Intense ang komprentasyon kung saan muntik na masaksak si Caroline.
04:01.2
Isa sa trending topic sa X, si Kyla Estrada na umani ng papurida sa husay sa paghanap sa kanyang role.
04:15.3
Nauwi naman sa happy ending ang love story ni Caroline at Bingo.
04:20.0
Caroline Chu, mahal na mahal kita.
04:25.4
Forever and always.
04:29.2
Bago tuluyang magpaalam sa viewers, sabay-sabay nanonood sa watch party ng finale ang buong cast.
04:36.5
Magkahalong emosyon ang naramdaman nila sa pinaghirapang hit seri.
04:40.4
Kung may nagtatapos, mayroon namang kwento magpapatuloy.
04:44.4
Mula sa hit seriang Senior High, aarangkada na ang High Street na pinagbibidahan ni na Andrea Brillantes,
04:50.4
Angel Aquino, Juan Carlos, Elijah Canlas, Zijan Haranilis,
04:55.9
Cyril Manabat, Jella Atayde, Miggy Jimenez, Daniela Straner at Tommy Alejandrino.
05:02.4
Aabangan din ang mga bagong karakter gaya ni Nadimpos Romana, Romnick Sarmienta, Easy Bonifacio at iba pa.
05:09.5
Sa Grand Media Con, kwento ng mga bida, level up ang mga thrill at kilig sa High Street.
05:14.6
Dito sa season 2, makikita natin na mas may consideration na siya sa time and feelings ng ibang tao.
05:25.4
Diba sa maturity, I think may kita natin na medyo mas nag-loosen up.
05:30.1
I'm really grateful to be given the opportunity to be a part of this show again because we really enjoyed Senior High
05:36.0
and to be able to be surrounded by all of these amazing actors.
05:40.6
Excited na rin ang fans sa adult version ng Team Potch Tandem at pagiging magulang ng Tambalang Roxchi.
05:47.0
Honestly, si Archie kasi nakahiwalay sa group ng other characters so I'm excited to learn about what the other characters have been up to.
05:55.4
And syempre, to see the team create the show again and even better this time around.
06:01.4
Mapapanood na ang High Street simula sa May 13 sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A to Z, Jipney TV at TV5.
06:10.7
Gayno Krishnan, ABS-CBN News.
06:14.9
Planong iapila ni dating Health Secretary Francisco Duque ang utos ng ombudsman na sampahan siya ng kasong graft.
06:22.5
Kaugnay po ito sa umano'y anomalya.
06:25.4
19 supply deals sa Pharmalee Pharmaceuticals noong 2020.
06:29.8
Napapatrol, Andrea Taguinis.
06:34.8
Muling dinipensahan ni dating Health Secretary Francisco Duque ang kanyang sarili matapos iutos ng ombudsman ng pagsampahan ng kasong graft
06:43.7
laban sa kanya at sa dating Undersecretary ng Procurement Services ng Department of Budget and Management o PSDBM na si Christopher Lau.
06:52.3
Kaugnay ito ng umano'y irregular na paglipat.
06:55.4
Nang DOH ng mahigit 41 billion pesos sa PSDBM para ipambili ng COVID-19 supplies tulad ng face masks noong kasagsagan ng pandemya.
07:05.1
Ayon sa ombudsman, kitang nagsabuata ng dalawa dahil bukod sa hindi otorisado ang PSDBM na mamili ng Personal Protective Equipment o PPE,
07:15.4
maaaring DOH na ang gumawa nito para naging mas mabilis at mas tipid ang proseso.
07:20.9
Pero depensa ni Duque,
07:22.1
Dahil sa aking trabaho ay pila,
07:25.4
ang chairman ng IATF,
07:27.7
leasing out ka sa coordination with 34 national government agencies.
07:32.2
At PSDBM, national government agency yan.
07:35.0
And using the principle of whole of government approach,
07:38.6
eh sila, ang sinatikol ka,
07:41.1
kayo na ang maghanap ng suppliers ng PPEs.
07:46.5
Dagdag ni Duque na ipamahagi naman sa mga ospital ang mga biniling supplies ng PSDBM
07:51.6
mula sa kontrobersyal na formally pharmaceutical,
07:55.4
ng isyo ng overpricing.
07:57.1
Planong maghahain ni Duque ng motion for reconsideration sa darating na linggo.
08:01.3
Ikinatawa naman ni Sen. Riza Honteveros ang desisyon ng ombudsman
08:05.1
na magsisilbing babala sa mga tiwali sa gobyerno.
08:08.6
Pero hindi kontento ang dating chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na si Richard Gordon.
08:14.2
Bagamat dati na rin ipinagutos ng ombudsman na sampahan ng kaso ang ilang opisyal ng formally,
08:19.2
wala pang nahuhuli at nakakasuhan sa mga ito.
08:22.5
Giit pa ni Gordon,
08:23.9
dapat panaguti ng punot-dunan,
08:25.4
dulo ng anomalya na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
08:29.3
Napakapangit eh, sabagat mga banyaga ang nakinabang.
08:33.6
Napakapangit eh, mga kaibigan ng Pangulo.
08:36.9
Siya naglagay, mga tigadawaw na mga tao niya.
08:39.5
This is the first time,
08:41.4
kompleto, kompleto ang ebidensya na makakapagpakulong ka ng Pangulo.
08:47.6
Dati nang sinabi ng ombudsman na wala itong nakitang sapat na ebidensya
08:51.6
para idamay si Duterte sa graft charges.
08:59.0
Nadiskubre ng Philippine Coast Guard na umano'y tangka ng China
09:02.1
na lumika ng bagong isla sa Escoda Shoal o Sabina Shoal
09:06.6
na nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
09:10.6
Nakita rin ang tambak ng mga durog at patay na corals
09:14.0
na sumira umano sa marine environment ng Bahura.
09:18.1
Napapatrol, Michael Delizo.
09:22.8
Ang bumunagahan na sa amin ay mga dead bodies,
09:25.4
and crashed corals.
09:27.2
Sa kuha ng Philippine Coast Guard,
09:29.0
nakatambak ang patay at durog na corals
09:31.8
sa bahagi ng Escoda o Sabina Shoal sa West Philippine Sea
09:35.1
na sakop ng 200 nautical mile Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
09:39.9
Sa dami ng itinapong corals,
09:41.9
lumika ito ng mala isla o mala sandbar na umbok
09:44.6
sa ibabaw ng tubig o tinatawag na low tide elevation.
09:48.6
Garitong-garito ang naobserbahang nangyari sa mga cave malapit sa Pag-asa Island.
09:53.4
Malulungkot ka sa naging isla.
09:55.4
Ang pagtura na kayo ng Sabina Shoal.
09:57.4
If you're going to talk to fishermen from Palawan,
10:01.9
alam nila kung gaano kayaman na pang-isdaan dati ang Sabina Shoal.
10:06.9
Matagal na panahon makarecover ang corals.
10:10.4
It will take 50-100 years.
10:12.4
Diretsang tinukoy ng Philippine Coast Guard ang China
10:15.4
na may kagagawan sa pagkasira ng Escoda Shoal.
10:18.4
Sino ba ang among countries in South China Sea
10:22.9
ang meron talagang walang pakundangan,
10:25.2
talagang pagsira ng marine environment?
10:29.2
Sino lang ba ang pwede nating ituro lahat?
10:32.7
Iniulat din ni Tariella na noon pang April 15 na monitor ng PCG
10:36.7
ang mga Chinese milisya at research vessel sa Escoda.
10:39.7
Agad na ipinadala doon ang BRP Teresa Magbanua.
10:42.7
Nito lang nagdaang linggo na mataan sa lugar ang walong Chinese maritime milisa ships
10:47.2
ng Sea Light, isang maritime transparency project
10:50.2
na nagbamonitor at naguulat ng mga aktibidad sa South China Sea.
10:55.2
gumagawa ng man-made na isla ang China sa lugar.
10:58.2
Ang mas nakababahala, 75 nautical miles
11:01.2
o nasa 120 kilometro lang ang layo nito sa Palawan mainland.
11:05.7
Kahit anong reclamation pagdating sa West Philippine Sea,
11:10.7
But this is more alarming kumpara sa Sunday case.
11:13.7
Dahil sabi ko nga, mas malapit ito sa lalawigan ng Palawan.
11:17.7
As to the strategic relevance ng Escoda Shoal,
11:23.7
I don't want to speculate or to alarm the public.
11:28.7
But ang sinasabi ko lang, ito ay napakalapit.
11:33.7
Malapit lang din ang Escoda Shoal sa Recto Bank o Reed Bank
11:37.7
na pinaniniwala ang mayaman sa oil at gas deposits.
11:40.7
Basa ni dating Justice Antonio Carpio sa paggawa ng artificial island sa Escoda,
11:44.7
posibleng target bakuran o harangin ng China ang daan tungo sa Reed Bank.
11:49.7
So what they're planning to do,
11:51.7
is to have an outpost near the Reed Bank to prevent us from getting the gas.
11:57.7
The challenge for us is how to get the gas in Reed Bank.
12:00.7
And if they put up an outpost there, that will make it more difficult for us.
12:05.7
Dumaraan din sa Escoda ang mga balkon ng Pilipinas tuwing magsasagawa ng rotation
12:10.7
at resupply mission sa Ayungin Shoal o Second Thomas Shoal.
12:13.7
Nakasadzad sa bahura, ang BRP Sierra Madre ang nagsisilbing military post ng Pilipinas sa lugar.
12:19.7
Sakaling hindi maagapan,
12:20.7
posibleng senaryo na maiipit o mapapagitnaan ang Ayungin sa gagawing isla ng China at Miss Chief Reef
12:26.7
na tinayuan ng artificial island at military base ng Beijing.
12:30.7
Pero tiniyak ni Tariela na natigil ng aktibidad sa Escoda sa halos isang buwang pagbabantay doon ng magbanwa.
12:36.7
Hindi ito a state of helplessness.
12:38.7
The mere fact that the Philippine Coast Guard has prevented the Chinese government
12:43.7
in continuing their island reclamation in Sabina Shoal,
12:48.7
it means we remain to be effective.
12:51.7
Samantala, pumalag ang Ministry of Foreign Affairs ng China sa panawagan ng National Security Advisor Eduardo Año
12:57.7
ng patalasikin na ang mga Chinese diplomat sa bansa dahil sa mga umano'y pagpapakalat na maling impormasyon,
13:03.7
pag-record at paglabas sa media ng umano'y pag-uusap sa telepono ng isang Chinese official at isang official ng Armed Forces of the Philippines.
13:10.7
Sa press briefing sa Beijing, sinabi ni Foreign Ministry Spokesperson Lin Jian na lumalabas na guilty ang Pilipinas sa harap ng umano'y pag-uusap.
13:18.7
Ang umano'y mga ebidensyang mayroon na pagkasundo ang new model arrangement sa Ayungin Shoal.
13:22.7
Nanawagan din siya sa Pilipinas na normal na makapagtrabaho ang mga Chinese diplomat sa Pilipinas.
13:27.7
Wala pang tugon ang Department of Foreign Affairs sa issue ng pagpapatalasik sa Chinese diplomat.
13:33.7
Michael Delizo, ABS-CBN News.
13:42.7
Matsagang pumila ang libu-libong mag-o-audition sa isang mall sa Ortigas ngayong Sabado.
13:48.7
Para sa chance ang mapasama sa pinakabagong season ng hit reality show na Pinoy Big Brother.
13:56.7
Madaling araw pa lang nagkampo na sa labas ng mall ang mga sasabak sa audition.
14:01.7
Puno ng energy ang mga nasa pila na kumanta pa ng theme song ng programa na Pinoy Ako.
14:07.7
At pagsalang sa mismong audition, kanya-kanyang style na ng pagpapakilala ng sarili ang mga nag-a-apply na housemates ni Kuya.
14:18.7
Puno sa isang mundo, sentences ng b feat.
14:24.7
Ina bakit makawin iwan
14:39.7
Oo ah oh dahan-dahan lang ah buhay ay di da rara
14:47.7
Umabot sa dalawang libo ang mga nag-audition ngayong Sabado.
14:51.6
Tutungo rin ang PBB Gen 11 auditions sa Naga at Cebu sa mga susunod na linggo.
14:59.9
Traffic sa ilang kalsada sa Metro Manila dahil po sa mga kinukumpuning kalye at mga road re-blocking.
15:07.7
Live mula sa EDSA Guadalupe, napapatrol easily.
15:13.2
Easy, bumper to bumper bang traffic dyan sa area mo?
15:17.7
Alvin, medyo bumper to bumper yung traffic dahil mula Boni Avenue,
15:25.0
e mabagal na yung paggalaw ng mga sasakyan dahil pagdating ng Guadalupe Bridge,
15:29.5
ay ang sasalubong sayo, dalawang lane na lang mula, apat na lane.
15:32.8
Okupado kasi ang dalawang lane ng kinukumpuning tubo ng Maynilad.
15:37.3
Pero paglabas naman sa lugar na ito, tuloy-tuloy na ang daloy ng mga sasakyan.
15:45.5
Apektado rin ang daloy ng trapiko.
15:47.4
Dahil sa mga road re-blocking sa Quezon City, sa mga kalsadang gaya ng Inner Lane,
15:52.0
sa southbound ng Regalado Avenue, papuntang Commonwealth Avenue,
15:55.9
Susano Road, Sanovaliches, at Congressional Avenue.
15:59.4
Sa bahaging Brewing Point Truck Lane, Payatas Road, mula Summer Street, papuntang Leyte Street, Inner Lane.
16:05.5
Commonwealth Avenue at Luzon Avenue, papuntang Central Avenue,
16:09.3
North Avenue, Northbound, bago magsenador Miriam Defensor Santiago Avenue,
16:13.6
Santo Domingo Avenue, at Simon Street, papuntang Atok Street.
16:17.4
Tandang Sora Avenue, sa pagitan ng Road 2 at Road 3, at Fairview Avenue, Doña Carmen, papuntang Winston Street, ang mga may road re-blocking.
16:25.8
Bubuksan muli ang mga kalsadang ito sa lunes, May 13, ng madaling araw.
16:31.7
Samantala, Alvin, nagdulot ang matinding traffic sa may Rizal Avenue, sa may Santa Cruz, Manila,
16:37.0
matapos isara ang bahagi ng Ronquillo Street dahil sa bumagsak na dalawang poste ng telco.
16:42.5
Ayon sa Manila DRRMO, isang dump truck ang dumaan sa lugar.
16:46.7
Sabado ng madaling araw at sumabit sa mga kable.
16:50.2
Nagsasagawa na ng clearing operations ang DMDRRMO at ang telco company para mabuksan na o maisaayos na yung posting na tumba
16:59.0
at syempre mabuksan na rin yung sinaradong daan sa mga motorista bandang alas 6 o alas 7 ng gabi.
17:05.8
Samantala, Alvin, balikan naman natin yung sitwasyon ng trapiko dito sa may EDSA Guadalupe.
17:10.3
Nakikita nyo sa aking likuran, nagsisikip pa rin yung daloy ng trapiko
17:15.1
dahil pagdating sa may kinukumpuneng kalsada ay nage-embudo na ang mga sasakyang papasok ng Guadalupe.
17:22.7
Ayon, so yun pala yun, easy. Kasi kanina, parang tuloy-tuloy yung sasakyan.
17:27.2
Yun yung mga nakalabas doon sa embudo.
17:29.9
Mga ilang oras ang gugugulin o minuto lang naman.
17:32.9
Kung galing kalimbawa ng Magallanes, pabalikan ng Quezon City,
17:37.8
mga ilang minuto ang gugugulin mo dyan sa embudong yan.
17:43.2
Siguro sa tansya natin, Alvin.
17:45.1
Kanina nung binabay natin, siguro mga 15 to 30 minutes yung kailangang igugul na oras
17:49.7
para makalagpas sa area na ito, Alvin.
17:52.2
Ayon, kahit papano, kayang-kaya naman.
17:54.9
Pero dyan lang ba ang traffic? O dito sa Quezon City, marami ding area ang traffic din?
18:03.7
Dito, medyo traffic ng kaute dito sa bahagi ito.
18:06.6
Pero kanina, nung sinilit natin yung Quezon City,
18:08.7
meron din ilang bahagi doon sa mga road blocking sites na talagang nagkukos na ng traffic.
18:15.1
Magal na daloy yung mga sasakyan, Alvin.
18:17.6
Maraming salamat, EZ Lee.
18:22.9
Iginiit ni dating PNP Chief Oscar Albayalde na wala silang nilabag na bata sa pagpapatupad noon ng War on Drugs.
18:32.5
Kasunod ito ng pagdawit sa kanyang pangalan sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng International Criminal Court.
18:39.1
Umaasa naman siyang hindi magbabago ang pulisiya ng Administrasyong Marcos,
18:43.9
na huwag kilalanin ang ICC.
18:47.2
Exclusive, nagpapatrol, Karen de Guzman.
18:52.0
Walang nilabag na batas, ito ang pinaninindigan ni dating PNP Chief Oscar Albayalde
18:57.9
kaugnay sa pagpapatupad ng War on Drugs noong Administrasyong Duterte.
19:02.1
Kasunod ito ng pagkakadawit ng kanilang pangalan ni dati rin PNP Chief at Senator Ronald de la Rosa
19:07.8
sa napipintong imbestigasyon ng International Criminal Court
19:11.1
sa umano'y extrajudicial killings,
19:13.9
para ang Administrasyon.
19:15.7
Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News kay Albayalde,
19:19.4
sinabi niyang lahat ng kanilang operasyon ay legal
19:22.1
at agad sinusuri kung mayroon mang irregularidad.
19:25.4
Ang pinatupad po natin is yung ating tinatawag na off-land double barrel
19:30.3
na wala naman pong nakasaad doon na every time na meron ka nahuhuli
19:34.4
ay mga pinapatay yung mga nahuhuli.
19:37.1
Moto propio, pagkatapos po ng isang pulis,
19:40.5
ang isang pulis operations ay tinitignan yung kung ano,
19:43.9
ang pwedeng naging lapses,
19:46.1
kung meron bang pananagutan yung mga pulis operatives natin sa baba.
19:50.8
Pero ayon kay Atty. Christina Conti,
19:53.1
na tumatay yung abugada ng mga pamilya ng mga biktima ng war on drugs,
19:56.9
dapat managot ang mga dating pinuno ng PNP
19:59.6
dahil hinayaan nilang mangyari ang mga mararahas na operasyon.
20:03.5
Dapat ikaw din, alam mo na, mali ang pumatay ng walang due process.
20:08.2
Nung inutos ba at nung pinatupad yung war on drugs,
20:12.0
yung command memorandum circular,
20:13.9
eh nagbunga ba ng pata yan?
20:15.7
At ang sagot diyan, oo.
20:17.2
Kaya itong tatlong to ang most likely na sinisilip ng ICC.
20:22.6
Naniniwala si Conti na posibleng magbago ang polisya ng Administrasyon Marcos
20:26.7
sa pagkilala sa ICC
20:28.2
dahil sa inihahandang briefer o gabay ng Department of Justice para sa Pangulo.
20:33.4
Pero umaasa si Albayalde na mananatili na unang desisyon ni Pangulong Marcos
20:37.8
na hindi papayagang manghimasok ang ICC sa bansa.
20:41.1
Ang pagpapagawa ng briefer,
20:43.9
ang indikasyon niyan, una, hindi ka sigurado sa policy position mo
20:48.4
or pangalawa, naghahanda ka para palitan yung policy position na ito.
20:53.6
We have a perfectly functioning justice system dito sa ating bansa.
20:59.5
Baka pagtawanan pa tayo ng ibang mga bansa dyan na parang hindi natin kaya yung sarili nating gobyerno.
21:05.6
Kung talaga pong meron po tayong mga sumon na matatanggap,
21:08.8
of course, sanctioned ng ating gobyerno coming from the DOJ.
21:13.9
Wala po tayong magagawa kung di susunod.
21:16.3
Sa ngayon, wala pang impormasyon tungkol sa pagalabas ng warrant of arrest para kay dating Pangulong Duterte.
21:22.3
Pero sabi ni Conti, papwede na itong ihain kahit nagpapatuloy pa ang investigasyon.
21:27.7
Karen de Guzman, ABS-CBN News.
21:32.8
Dumagundong ang musika, sayawan at kasiyahan sa mga lansangan ng Malabon.
21:38.5
Ito po'y sa pagdiriwang ng ikalawang Tampobong Intakan Festival.
21:49.7
Kasabay po ang selebrasyon ng ika-425th founding anniversary at 23rd cityhood anniversary ng Malabon City.
22:00.2
Nakisayang ilang estudyante, residente at kawaning ng lokal na gobyerno sa parada at sumabak sa street dance competition.
22:08.3
Tuloy-tuloy ang mga aktividad sa lungsod hanggang May 21.
22:13.4
All set ng humataw at bumirit ang global Pinoy singers na sina Morissette Amon at Darren Espanto para sa kapamilya event na showstopper sa Germany ngayong May 11.
22:31.3
Ito'y bahagi ng 30th anniversary offering ng The Filipino Channel sa mga Pinoy sa Alemania.
22:38.6
Inaasahang dadayo sa Frankfurt ang mga Pinoy mula sa iba-ibang panig ng Germany.
22:43.4
Kahit naman abala sa paghahanda sa show, nakabisita sina Darren at Morissette sa Philippine Consulate.
22:50.6
Ayon kay Consul General Ivy Banzon, magsisilbing bagong cultural ambassador sa Germany ang dalawang kapamilya artist dahil tiyak na mas maipapakilala nila sa mga aliman ang galing at kulturang Pinoy.
23:03.3
Sa mga kababayan po natin dito sa Frankfurt, Germany, sa mga kapamilya natin, please watch Showstoppers with Darren and Morissette.
23:13.4
Morissette live at the Zoom Club Frankfurt, Germany.
23:16.1
Now excited na po kami na makita kayo lahat at makipag-jamming at mag-party-party po tayo.
23:26.3
May nanalo na. Talaga naman pong kinabog ng unkabogable star na si Vice Ganda ang Tiliin Mo ang Pilipinas Challenge. Hindi lang po make-up transformation.
23:38.3
Ibinida rin sa entry ni Vice ang magagandang lugar sa Pilipinas.
23:43.4
Lakay ang ilang mainit na isyong panlipunan sa bansa.
23:48.3
Nagpa-patrol, Jeffrey Ernaez.
23:55.1
Ito na ang inaabangang entry ni unkabogable star Vice Ganda para sa Tiliin Mo ang Pilipinas Music Video Challenge.
24:04.3
Smooth ang make-up transitions ni Vice na kumpleto sa mga akbang borloloy.
24:09.5
Hindi naman may tatangging pinaghandaan at pinaghirapan ito.
24:13.4
Eh kasi ang kulit ng mga netizens, yung mga followers ko, nagde-demand na kailangan magpasa ako ng assignment.
24:20.9
So maganda naman, nakakita ko ng magandang opportunity. So alika, gamitin natin itong trend na ito para sa isang magandang adbukasya.
24:29.3
At hindi nga sinayang ni Vice ang oportunidad para sa makabuluhang adbukasya.
24:34.3
Ibinida sa video ang ganda ng mga sikat na lugar sa Pilipinas.
24:38.0
At ipinagbalaki ang ganda ng kasuotang Filipinyana at koronang perla.
24:43.9
But wait, there's more.
24:46.1
Ayoko naman basta sumakay lang doon sa trend. I thought of making use of the trend for a very special purpose.
24:52.6
So yung gano'n, yung contrast siya. Parang yung Pilipinas kasi hindi lang naman siya puro maganda.
24:57.8
Meron din naman siyang, ang realidad ay merong hindi magandang sitwasyon.
25:02.0
Bilibang maraming netizens kung paano mailalahad ang ilang isyo ng bayan.
25:06.7
Nariyan ang matinding traffic at polusyon na ramdam ng lahat.
25:13.4
At ang paikibakan ng mga driver sa harap ng GP Modernization Program.
25:20.8
Sa aspeto ng turismo, lahagip ang kontrobersyal na gusaling photobomber sa luneta.
25:28.0
At pinatay yung pribadong resort sa gitna ng Chocolate Hills.
25:33.3
Hinaluan man ang pakwela, hindi nabawasan ang bigat ng mensaing hatid ng tensyon sa West Philippine Sea.
25:39.8
At ang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas sa huli.
25:45.1
Mahigit labing dalawang oras ang ginugol ng team device para sa video na ito.
25:49.8
As of posting, nasa loob ng halos dalawampung oras.
25:53.2
Mahigit 6.6 million views na ito sa TikTok.
25:56.5
At halos 100,000 shares na sa Facebook.
25:59.8
Pero hindi magandang bahagi ang Pilipinas.
26:01.9
Pero ano't ano man yan, pipiliin mo pa rin siya at ipaglalaban mo yung Pilipinas.
26:05.8
Kaya naman puring-puri ito ng netizens.
26:09.8
O host ni Vice sa It's Showtime.
26:12.8
Nagpasalamat din ang Philippine Coast Guard sa Unkabogable Star.
26:16.9
Napakaganda nung message. Napakaganda nung pagkakagawa ng storya ng music video.
26:22.5
Para sa akin, yung mga pro-China trolls, mai-inspire kapag paulit-ulit nilang pinanood si Vice ganda.
26:28.6
Mensahe ni Vice sa Madlang People.
26:30.7
Bukod sa nakapag-entertain tayo, masaya ang puso ko na meron tayong naidulot
26:35.6
at nakapagpadala tayo ng magandang mensahe at informasyon sa maraming maraming maraming.
26:39.8
At hindi ito ang una at huling beses na magagamit ko yung platforma na ito para sa makabuluhan at magandang layunin.
26:48.3
Para kay Vice, hindi man perpekto ang mga tao, mahirap mang ipaglaban minsan ang sitwasyon.
26:54.7
Saan man at kailanman, lagi pa rin piliin ang Pilipinas.
26:59.4
Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News.
27:05.1
Galing naman. Vice ganda. Congratulations.
27:09.8
Anong karaming problema, pipiliin mo pa rin ang Pilipinas.
27:12.6
Pero parang alam ko na yung assignment ko sa lunes.
27:16.5
Kupunan ko ng reaksyon ng Chinese Embassy.
27:19.9
Ito kung sabihin ni Vice ganda.
27:21.7
Hindi entertainment naman po yun, pero may social relevance.
27:26.5
Yun ang gusto niya.
27:28.0
Yun ang gusto niya actually.
27:29.7
Kasi yung mga ordinaryong mamayan, hindi sila maainganyo sa mga news lang.
27:35.3
Gusto nila may entertainment.
27:36.9
Doon siya papasok.
27:37.7
Ito kasi may entertainment.
27:39.8
May mensahe talaga.
27:43.0
Oh my God. Congrats, Vice.
27:44.7
Kanina pinunod ko siya pa ulit-ulit talaga.
27:47.7
At iyan ang mga balitang nakalap sa aming tuloy-tuloy na Pagpapatrol.
27:52.8
Ako po si Zen Hernandez.
27:54.5
Ako po si Alvin Olchico.
27:55.9
Dito kami, naglilingkod para sa inyo, saan man sa mundo.