Pagsentro ng political parties sa personalidad, pinuna ng ilang eksperto | TV Patrol
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.6
Selyado na ang muling pagsasama ng Partido Federal ng Pilipinas at lakas CMD sa ilalim ng alyansa para sa bagong Pilipinas.
00:08.1
Ang mga ganitong political alliances hindi na bago sa kasaysayan ng Pilipinas.
00:13.0
1907 pa lang, mainit na ang politika at mga partido sa Pilipinas.
00:17.8
Gaya ng Nationalista Party na pinakamatandang partido na nag-anak sa Liberal Party dahil sa paksyon sa loob ng NP.
00:25.0
Bahagi na rin ng politika sa bansa ang pag-usbong ng mga alyansa o koalisyon gaya ng nabuong PDP-Laban sa ilalim ng Marcos Sr. Administration na nagdala sa pagkapangulo kay Rodrigo Duterte noong 2016.
00:39.3
Maging ang UNIDO na nagdala kay Corazon Aquino sa Malacanang,
00:43.5
lakas NUCD-UMD na sumuporta kay Fidel Ramos,
00:47.4
lapian na makabayang masang Pilipino ni Joseph Estrada,
00:50.6
lakas kang PCMD at koalisyon na nagkakaisang Pilipino,
00:55.0
o K4 para kay Gloria Arroyo,
00:57.1
at UNITEAM na nagdala kay Pangulong Marcos Jr. noong 2022.
01:01.9
Pero para saan nga ba ang mga political party at mga alyansa?
01:06.0
Ang political party dapat ang nagbibigay ng sustansya sa ating electoral choices para sa ating mga butante.
01:13.7
Dapat mas malinaw yung issues na kinukonsidera ng mga butante sa pagboto.
01:20.8
Pero tingin ng mga eksperto,
01:22.5
wala nang bigat ang dating ng political parties dahil bukod sa tila nakasentro sila sa personalidad,
01:29.0
hindi natutupad ang plataporma at mga pangako sa butante.
01:32.9
Makikita niya naman ng programa ng isang campaign rally, it's purely for entertainment.
01:37.5
It's not anymore a discussion of vision or kung ano man yung paniniwala ng isang kandidato.
01:44.2
Ang pinakamalaking ambag ng political party, makinarya,
01:47.9
dahil ito ang nagdadala sa kandidato para makapangampanya
01:52.5
at sagot din nito ang campaign materials, poll watchers niya at iba pa.
01:57.4
Pero puna ng mga analist, hindi ba itatangging maraming politiko ang walang party loyalty?
02:03.5
Ang nangyayari sa mga alliances ngayon is purely transactional politics.
02:08.8
That doesn't help us at all.
02:11.5
Ang voters doon ay hindi natutulungan.
02:14.8
At tingin ng mga eksperto, may pagkakataong pareho ang posisyon ng mga partido sa maraming issue.
02:20.3
Kaya posibleng tignan naman ng liberal party,
02:22.5
ang pakikipag-alyansa sa administrasyon dahil numipis na talaga ang LP bilang isang opposition party.
02:29.5
Personal na analysis ko, dahil po konti na nga rin yung liberal party members,
02:36.6
bukas yung daan para magkaroon ng tinatawag natin na alyansa
02:43.5
dahil mas mabigat lumaban sa isang unified, di ba?
02:49.6
Different party based na unit team.
02:52.5
Napakahalaga na suriin ng LP, ng liberal party,
02:58.1
anong batayan, anong issue ang nakikita nila na nasa liberal agenda
03:03.5
na dinadala din at nire-respeto ng unit team.
03:09.0
Kinumpirma naman ni Liberal Party President Edsel Agman na buo pa ang partido
03:13.6
at inihahanda na ang kanila mga kandidato.
03:16.4
And also, we are undertaking the promotion,
03:22.5
of a partylist counterpart of the liberal party
03:27.5
so that it could complement the party both as a political party and as a partylist organization.
03:38.4
Ang panawagan ng mga eksperto, mas matapang na amyenda sa batas
03:42.1
para mapatino ang political party system at para lalo pang mapaigting ang demokrasya sa bansa.
03:47.8
Pero hanggat nakabimbin ang mga ganitong panukala,
03:52.5
mas maging mapagmatsyag ang mga botante,
03:55.2
lalo't magkakaalaman na sa Oktubre kung sino-sino
03:58.3
ang formal na maghahain ng kanilang kandidatura para sa halalan 2025.
04:04.5
Sherian Torres, ABS-CBN News.
04:08.0
Tuloy-tuloy po ang ating pagpapatrol sa bayan
04:11.2
mula lunes hanggang biyernes sa TV Patrol.
04:14.4
Alas 6.30 ng gabi hanggang Sabado at Linggo sa TV Patrol Weekend.
04:20.4
Sa bago nitong oras, alas 5.30.
04:22.5
Medyo nang hapon.
04:23.5
Thank you for watching!