Iba’t ibang lugar sa Gaza, niyanig ng sunod-sunod na pambobomba | #TedFailonandDJChaCha
Narito ang mga balita sa labas ng bansa ngayong Martes, May 14:
• Patay sa Gaza, umakyat pa sa 35,000
• Iba't ibang lugar sa Gaza, niyanig ng sunod-sunod na pambobomba
• Kaso ng pagnanakaw sa Brazil lalo pang sumipa sa kabila ng matinding pag-ulan at pagbaha
• Alberta at British Columbia, apektado ng wildfire sa Canada; apat na US states apektado na rin
• 31 patay matapos tumama ang landslide sa Indonesia
#TedFailonandDJChaCha #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM
---
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
Run time: 03:01
Has AI Subtitles
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Sa mga balita sa labas ng bansa, umakyat na sa higit 35,000 palestino ang namatay sa pagpapatuloy ng digmaan sa pagitan ng Hamas kontra Israeli forces sa Gaza Strip.
00:11.9
Pinakahuling naitala ang 63 palestinong sibilyan habang higit 100 naman ang nasugatan.
00:17.8
Ayon sa report, posibleng madagdagan pa ang mga bilang ng mga nasawi matapos matabunan ng mga gumuhong gusali.
00:23.9
Kinumpirma naman ang UN Relief and Works Agency na sa nakalipas na linggo, aabot na sa 300,000 bakwit ang lumikas mula sa Rafah sa gitna ng malawakang o malawakang opensiba ng IDF sa syudad.
00:37.5
Ang giitang ahensya, peke ang pangako ng Israel, kaugnay sa ligtas at payapang paglika sa mga palestinong bakwit na pansamantalang naninirahan sa mga refugee settlements sa Rafah.
00:49.3
Niyanig po naman ng sunod-sunod na pambabomba ang iba't ibang lugar sa Gaza Strip.
00:53.9
Sa Northern Gaza, lalo pang umabante ang IDF sa Jabaliya at Biitlahiya.
01:00.9
Dahil diyan, napilitan po ang maraming organisasyon mula sa iba't ibang bansa na bawasan o tuluyan na pong magsarado ng kanila pong operasyon sa Gaza dahilan po para maparalisa ang supply ng langis, pagkain at inuming tubig.
01:14.2
Sa kabila niyan, kinumpirma po naman ni U.S. National Security Advisor Jake Sullivan na wala nakikitang paglabag si U.S. President Joe Biden.
01:22.9
Kaugnay pa rin po sa akusasyong pag-ubos ng Israeli forces sa populasyon ng Gaza.
01:29.0
Panibagong problema naman sa Brazil ang pagsipa ng ilang krimen sa gitna ng nararanasang matinding pagulan at pagbaha.
01:36.2
Ayon sa mga otoridad, pinakamaraming naitalang kaso ang robbery at looting.
01:41.2
Patuloy naman ang pagsuyod ng mga otoridad sa lugar na hindi naaabot ng Brazilian government.
01:46.7
Sa huling tala, umabot sa 143 ang kumpirmadong patay.
01:52.9
Sa kalamidad sa bansa.
01:55.6
Natiliho namang dagok sa mga residentes sa Alberta at British Columbia ang matinding wildfire sa Canada.
02:02.8
Sa tansya po ng Canadian government, nasa 146 ang aktibong sunog ngayon sa nasabing mga lalawigan.
02:10.8
Sa tindi ng makapal na usok na dala po ng wildfire ay umabot na rin yan sa apat na U.S. states
02:16.9
kabilang po sa Montana, North Dakota, South Dakota at Minnesota.
02:20.9
Ayon sa Air Quality Index po ng apat apektadong U.S. states na natiling nasa moderate to unhealthy ang hanging hatid ng wildfire.
02:30.2
Sumumpa na naman sa 31 patay habang apat na po ang sugatan matapos ang naranasang matinding pagbaha at landslide sa West Sumatra, Indonesia.
02:39.8
Sa tindi ng pinsala, nawasak ang maraming kabahayan at tulay habang bumara naman ang mga nag-at-nagtumbahan ng mga puno sa kalsada.
02:46.7
Patuloy ang paghahanap sa labindimang individual na nawawala matatay.
02:50.9
Tapos tumama ang kalamidad.